Mag-asawang may koneksyon umano sa Abu Sayyaf, 2 pa patay sa police op sa Parañaque | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-asawang may koneksyon umano sa Abu Sayyaf, 2 pa patay sa police op sa Parañaque

Mag-asawang may koneksyon umano sa Abu Sayyaf, 2 pa patay sa police op sa Parañaque

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Apat ang patay, kabilang ang mag-asawang may koneksyon umano sa extremist group na Abu Sayyaf, sa operasyon ng pulisya sa Parañaque City ngayong Biyernes ng madaling-araw.

Pinuntahan ng mga pulis na may dalang search warrant ang bahay ng mag-asawang Bensaudi Sali at Merhama Abdul Sawari sa Better Living Subdivision dahil umano sa pag-aari ng mga ilegal na armas, sabi ni Parañaque police chief Police Col. Robin King Sarmiento.

Nagpaputok aniya ng baril ang mga tao sa loob ng bahay, dahilan para gumanti ang mga operatiba at mapatay ang mag-asawa at kanilang mga kasamang sina Rasmin Hussin at Jamal Kalliming.

Ayon sa pulisya, financial conduit ang mag-asawa ng radical organization na Daesh na nag-o-operate sa Southeast Asia.
Sinasabing ang kanilang presensya sa Parañaque City ay may kinalaman sa pagpaplano ng terrorist activity.

ADVERTISEMENT

Nakuha sa lugar ang ilang baril, bala, pampasabog, at 2 watawat ng extremist armed group na Islamic State o ISIS.

Hindi pa makumpirma kung may koneksyon din sa teroristang grupo ang 2 pang napatay sa operasyon. Nagtatrabaho sila bilang security guard sa mga pribadong establisimyento sa Parañaque.

Nasugatan naman ang isang pulis sa parehong hita nang tamaan ng bala sa gitna ng putukan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.