Mga computer ubos sa nakawan sa paaralan sa Davao del Sur | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga computer ubos sa nakawan sa paaralan sa Davao del Sur

ABS-CBN News
Published Jun 26, 2019 07:09 PM PHT

DAVAO DEL SUR - Naubos ang lahat ng mga computer ng isang paaralan sa bayan ng Padada matapos umanong looban at nakawan ito Lunes ng gabi.

Pinasok umano ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang computer room ng German Lantics Elementary School sa Barangay Palili at nilimas ang anim na computer set ng nasabing paaralan.

Ayon sa principal ng eskwelahan na si Ritche Rose Alforque, sa likurang bahagi ng paaralan dumaan ang mga magnanakaw kung saan tinanggalan pa daw ng turnilyo ang grills at ang mga jalousie ng mga bintana ng computer room.

Ayon sa imbestigasiyon, P350,000 ang halaga ng mga computer na nanakaw.
Ayon sa imbestigasiyon, P350,000 ang halaga ng mga computer na nanakaw.
ADVERTISEMENT
Nanghihinayang naman ang mga guro dahil malaking tulong sa paaralan ang mga computer lalo na sa Grade 4, Grade 5, at Grade 6.

"Mas maganda kasi kapag hands-on tapos ninakaw nila, nawalan ng opportunity ang mga mag-aaral na matuto," ani Immalyn Hervas, guro at property custodian ng paaralan.

Iniimbestiga na ng Padada Police ang mga lugar na posibleng pag-bentahan ng mga ninakaw na computer sets.

- Ulat ni Bonna Pamplona, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT