2 dawit sa panggagahasa sa teenager arestado sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 03:07 PM | Updated as of Jun 26 2019 06:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto ng pulisya ang 2 lalaking idinadawit sa panggagahasa sa isang dalagita noong nakaraang taon sa Antipolo City, sabi ngayong Miyerkoles ng pulisya.

Sa bisa ng arrest warrant, dinampot noong Biyernes ang mga suspek na sina Lenard Tuyor at Mark Ormelita matapos ang isang taong pagtatago ng mga ito, ayon kay Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng Antipolo police.

Inireklamo ang 2 suspek dahil sa umano ay panggagahasa sa 15 anyos na babae sa Barangay Cupang noong nakaraang taon.

"Noong nalasing na sila, ang isa [ang] unang nang-rape... pinasa naman niya sa kainuman niya bago umuwi. Sinamantala nila ang kalasingan ng bata," ani Bannawagan sa panayam ng ABS-CBN News.

Sangkot din ang mga suspek sa mga insidente ng holdapan sa lungsod, ani Bannawagan.

Itinanggi naman ng mga suspek ang mga paratang.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.