PatrolPH

Lalaking 'most wanted' napatay sa Digos City

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2021 09:43 PM

Lalaking 'most wanted' napatay sa Digos City 1
Kuha ng Digos City PNP

Napatay ng mga awtoridad ang isang lalaking kinilalang top 1 most wanted sa Digos City, Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, nakaengkwentro nila si Alberto Baritua, 30, sa Lapu-lapu Extension, Brgy. San Miguel sa Digos sa isang manhunt operation.

Nahaharap umano sa kasong two counts of murder si Baritua.

Nakumpiska sa crime scene ang tatlong baril, isang granada, at mga pakete ng hinihinalang shabu.

—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.