Wattah Wattah Festival sa San Juan ipinagpaliban dahil sa pagpanaw ng vice mayor | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Wattah Wattah Festival sa San Juan ipinagpaliban dahil sa pagpanaw ng vice mayor

ABS-CBN News
Published Jun 24, 2023 02:28 PM PHT

Basaan kanselado dahil sa El Nino
Basaan kanselado dahil sa El Nino
MAYNILA -- Pansamantalang ipinagpaliban ang Wattah Wattah o Basaan festival sa San Juan City, bilang pagluluksa sa pagpanaw ni Vice Mayor Warren Villa.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, isang week-long city-wide mourning ang isasagawa simula June 19 hanggag June 25, 2023.

"Ang lahat po ng ating naka-schedule na activities para sa linggo na ito ay sa susunod na linggo na pagkatapos ng 7-day mourning upang magbigay ng karangalan at respeto kay VM Warren Villa, " dagdag ni Zamora.

Bukas ang public viewing sa labi ni Villa sa sa San Juan City Hall ngayong pista ni San Juan.
Bukas ang public viewing sa labi ni Villa sa sa San Juan City Hall ngayong pista ni San Juan.
ADVERTISEMENT
Sa hapon ng Hunyo 25, iikot muna sa Barangay Sta. Lucia — kung saan lumaki sa San Juan si Villa — bago siya ihatid sa huling hantungan.

Samantala, nilinaw rin ni Zamora na kanselado ang nakagawiang basaan ngayong taon.

Kinakailangan umanong isaalang-alang ang gagamitin at masasayang na tubig lalo na’t posibleng magkaroon ng kakulangan sa supply dahil sa matinding tag-init.

"Ito po ay aming inanunsyo bunsod na rin ng epekto ng El Niño, tayo po ay nagsabi na noong una na wala munang basaan dahil nga po kinakailangan nating magtipid ng tubig dahil sa el niño na ating mararanasan sa mga susunod na buwan," ani Zamora.

Nauunawaan naman ng ilang mga residente ang pagpapatigil ng tradisyon ng basaan sa pista ng San Juan.