Lungsod ng Maynila ipinagdiriwang ang ika-452 anibersaryo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lungsod ng Maynila ipinagdiriwang ang ika-452 anibersaryo

Andrea Taguines,
ABS-CBN News
Published Jun 24, 2023 11:42 AM PHT

MAYNILA — Nagsagawa ng parada at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Rajah Sulayman sa Malate ang lungsod ng Maynila, bilang parte ng pagdiriwang ng ika-452 anibersaryo nito.

Si Rajah Sulayman ay kinikilala bilang huling hari ng Maynila na lumaban sa mga Kastilang mananakop.

Pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang pag-aalay ng bulaklak.

Nagkaroon din ng civil at military parade na nilahukan ng iba’t ibang sektor sa Maynila. Ilan sa lumahok dito ay ang Muslim at Chinese communities sa lungsod, pati na ang kawani ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

ADVERTISEMENT
Matatandaang dineklarang special non-working day sa Maynila ang Hunyo 24 bilang pagdiriwang sa anibersaryo nito.

Sinarado sa mga motorista mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali ang kahabaan ng Moriones Street mula sa Mel Lopez Boulevard hanggang N. Zamora Street.

Nakasara rin ang kahabaan ng J. Nolasco Street mula Morga Street hanggang Concha Street at ang kahabaan ng Santa Maria Street mula Morga Street hanggang Concha Street sa Tondo

Para makaiwas sa trapiko, inaabisuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.