Lalaki tiklo matapos umanong mambastos ng dalaga online | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki tiklo matapos umanong mambastos ng dalaga online

ABS-CBN News
Published Jun 24, 2022 08:13 AM PHT
|
Updated Jun 24, 2022 01:46 PM PHT

MAYNILA—Isang lalaki ang arestado matapos mambastos umano ng isang 19 anyos na babae online.

Sa imbestigasyon ng Eastern District Anti-Cybercrime Team, batay sa salaysay ng biktimang dalaga, naglalakad siya para mag-ehersisyo noong Huwebes, pasado alas-6 ng umaga sa may supermarket sa Pasig City.

Aniya, hindi niya napansin na kinunan siya ng video ng lalaki.

Bandang alas-9 ng umaga, isa sa kanyang mga kaibigan ang nagpadala ng screenshot ng post sa social media kung saan makikita ang video ng dalaga na naglalakad na may caption na "pg 2mingin ka, ****** ka".

ADVERTISEMENT
Kinumpirma ng biktima na sa kaniyang mga kaibigan na siya ang babaeng ipinost sa social media.

Nagkasa ng entrapment operation ang Eastern District Anti-Cybercrime Team pasado alas-6 ng gabi, kung saan natagpuan ang suspek pinapanood ang video ng nagrereklamong dalaga kaya agad ito hinuli at dinala sa pulisya para sa documentation.

Aminado ang suspek sa mga paratang.
Aminado ang suspek sa mga paratang.
“Ako ay nagkamali at humihingi ng kapatawaran. Sana po maging aral na lang sa iba,” paliwanag niya.

Depensa ng suspek na hindi niya alam na pambabastos ang ginawa niya.

“First time ko, 'yun lang sa TikTok, ibang vlogger nakikita ko … humanga lang ako sa kaniya,” sabi niya.

Dagdag ng suspek, agad niya rin dinelete ang video sa social media at cellphone.

Nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag ng Safe Space Act or Bawal Bastos Law at unjust vexation ang suspek.—Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News