Mga taga-San Juan nanibago sa Wattah Wattah festival na walang basaan | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga taga-San Juan nanibago sa Wattah Wattah festival na walang basaan

ABS-CBN News
Published Jun 24, 2020 01:40 PM PHT
MAYNILA - Tuloy man ang pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival sa lungsod ng San Juan ngayong Miyerkoles, ipinagbawal ang tradisyunal na basaan ngayong may coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa halip, binasbasan ang imahen ni San Juan Bautista sa simbahan, at saka ipinrusisyon.

LOOK: Residents in San Juan waited by their doors to greet the procession. Others also carried Mama Mary and Sto. Niño images. 🎥Mayor Francis Zamora pic.twitter.com/iOAZifCLoO
— Angel Movido (@angelmovido) June 24, 2020

Kaya ang dating basaan, naging basbasan.

Ayon kay Liberato Arboso, pahinante ng trak, walang gulo ngayon kumpara noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT
"Walang gulo na nangyari kasi pag may basaan, may nambabato ng buong yelo tsaka nagkakagulo ang mga tao kapag oras na lasing na, karamihan lasing na ang mga nambabato," ani Arboso.

Mas mapayapa man ang pagdiriwang ng "Wattah Wattah" festival ngayong taon, may mga nanibago at nalungkot ngayong wala ang tradisyunal na "basaan."

"Malungkot nga eh. Dati ganitong oras basang basa na ako eh. Tsaka batuhan ng ice tubig, balde, kung ano-ano. Binubuksan pa nila mga jeep. Tapos lahat ng dumadaang tao binabasa nila. Ngayon parang tuyo. Pagbabago ang panahon natin ngayon," Jerry Singson, na pahinante ng isang trak.

Ganito rin ang saloobin ng mga street sweeper na sina Nancy Gabayne at Sonia Montoya. Gayunman, alam nilang nakabubuti at mas nakakaligtas ito.

"Siyempre malungkot kasi hindi na natin nadadanasan yung nambabasa. Pero masaya dahil umabot tayo sa wala tayong sakit na nararamdaman," ani Gabayne.

"Dahil wala pong basaan ngayon wala pong sakitan. At saka walang masamang nangyari. Maganda rin po yung naisip ni Mayor dahil nagprusisyon lang po ng santo," ani Montana.

Sa bisa ng Executive Order No. 42 S. of 2020, ipinagbawal sa mga residente na magbasaan para maiwasan ang pagtitipon-tipon ng mga tao sa mga kalsada, na posibleng mauwi sa pagkalantad sa at hawahan ng virus.

Idinadaos ang Wattah Wattah Festival tuwing Hunyo 24 para gunitahin ang pista ni Saint John the Baptist.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT