Bagong vending stalls itinayo sa Ilaya Street sa Divisoria | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong vending stalls itinayo sa Ilaya Street sa Divisoria

Bagong vending stalls itinayo sa Ilaya Street sa Divisoria

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Nagtayo na ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng bagong stalls sa Ilaya Street sa may Divisoria.

Ang mga bagong vending stalls ay kulay asul at may sariling linya ng kuryente.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang mga dating vendor ng Ilaya ang prayoridad dito at may minimal lamang na babayaran.

Itinayo ang mga ito sa magkabilang bahagi ng kalsada kaya isang lane na lamang ang madaraanan ng mga sasakyan.

May stall number din ang bawat tindahan para madaling hanapin ng kanilang mga customer.

ADVERTISEMENT

Nangangamba naman ang iba pang tindera sa lugar dahil posibleng matakpan ang kanilang tindahan ng mga bagong stall.

Sabi ni Moreno na wala dapat vendors sa bangketa na daanan ng mga tao.

Sarado pa sa ngayon ang mga stall na balak rin ilagay sa iba pang parte ng Divisoria.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.