LTFRB, muling nagpaalala sa mga PUJ driver, operator na kunin ang fuel subsidy | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
LTFRB, muling nagpaalala sa mga PUJ driver, operator na kunin ang fuel subsidy

Bonna Pamplona,
ABS-CBN News
Published Jun 24, 2019 09:56 PM PHT

DAVAO CITY - Binigyan na lang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator at driver ng pampublikong jeep hanggang Hunyo 30 para kunin ang kanilang Pantawid Pasada Card na may lamang P5,000 sa taong 2018.

Ayon kay LTFRB chairman Atty. Martin Delgra, kinakailangang maibigay lahat ng fuel cards sa nakaraang taon para makahingi ang ahensya ng panibagong budget dahil ngayong taon, dadagdagan ng P20,000 ang ayuda para sa mga PUJ operator at driver.

Pero ayon sa isa sa mga PUJ operators, gaya ni Leonila Vocal mula sa Villages Operator and Drivers Transport Services Cooperative na nakabase sa Davao City, kinakailangan pa nila ang isang board resolution para makuha ang Pantawid Pasada Card lalo't hindi na makontak ang dating may-ari ng mga PUJ.

Kailangan ang pirma ng may-ari ng jeep bago makuha ang mga card lalo na't nakapangalan pa sa dating may-ari ang prangkisa ni Vocal.

ADVERTISEMENT
Sa kasalukuyan, nasa 813 sa 5,083 pa na PUJ driver sa Davao region ang hindi pa nakakakuha ng kanilang fuel cards.

"We are targeting this month in distributing the cards. We've been contacting the operators, pero marami silang dahilan," ayon kay Atty. Cattleya Acaylar mula sa LTFRB-11.

"Katong wala makakuha og card for whatever reason kay di available during the distribution, but for what reason, ang ilang makuha kato na lang ang 2019, wala na to ang 2018," ani Delgra.

(Yung hindi nakakuha ng card for whatever reason, na hindi available sa distribution, but for what reason, ang kanilang makuha ay yung sa 2019 na lang. Wala na yung 2018.)

Paliwanag din ng LTFRB na maari pa ring makuha ng mga operator at drayber ang kanilang Pantawid Pasada Card sa 2018, pero may kaukulang bayad na ito sa accredited bank kung saan naka-load ang P5,000 na fuel subsidy.