Tourist spots sa 2 bayan sa Biliran, sarado sa Pista ng San Juan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tourist spots sa 2 bayan sa Biliran, sarado sa Pista ng San Juan

Tourist spots sa 2 bayan sa Biliran, sarado sa Pista ng San Juan

ABS-CBN News

Clipboard

Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Almeria at Kawayan sa lalawigan ng Biliran ang pansamantalang pagsasara ng mga tourist sites sa pista ni San Juan sa Huwebes.

Nagpalabas na ng executive order si Almeria, Biliran Mayor Richard Jaguros para pansamantalang ipasara ang mga tourist sites sa kanilang bayan sa araw ng pista ni San Juan, Hunyo 24 at Hunyo 26 hanggang 29.

Kabilang din sa mga pansamantalang pinapatigil ang operasyon ang mga pribadong resort.

Nagpalabas na rin ng executive order si Kawayan, Biliran Mayor Rodolfo Espina para pansamantalang ipagbawal ang pagtitipon-tipon sa mga beach, waterfalls, swimming pool at ipasara muna ang lahat ng tourist spots sa kanilang bayan sa araw ng pista ni San Juan.

ADVERTISEMENT

Extended ito hanggang Hunyo 27. Ipinagbabawal din ang pag-videoke at pag-inom sa mga pampublikong lugar.

Ang mga bayan ng Almeria at Kawayan ay kabilang sa mga pinakadinadayong lugar sa Biliran dahil sa kanilang magagandang beach at waterfalls.

Ang pagpababa ng EO ng dalawang bayan ay bunsod pa rin ng patuloy na mataas na COVID-19 cases sa Eastern Visayas.

Ayon sa DOH, ang mga pagtitipon-tipon ang pangunang dahilan ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga apektado ng sakit na ito sa rehiyon.

- ulat ni Sharon Evite

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.