Paglipana ng troll farms pinaiimbestigahan sa Kongreso | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paglipana ng troll farms pinaiimbestigahan sa Kongreso

ABS-CBN News
Published Jun 23, 2021 09:02 PM PHT

MAYNILA — Ibinulgar kamakailan ni Sen. Panfilo Lacson ang ginagawa umano ng isang "undersecretary" ng gobyerno na pagtatatag ng tig-2 troll farms sa bawat probinsya gamit ang pondo ng pamahalaan para sa nalalapit na halalan.

Ito ang dahilan kung bakit humirit ng imbestigasyon sa Kamara ang Bayan Muna party-list.

Sa inihaing resolusyon, banta umano sa internet freedom at maging sa paparating na eleksyon ang ginagawa ng mga troll army.

Ang troll farm ay isang organisado at sistematikong grupo na umaatake sa mga supporters at kalabang politiko gamit ang internet.

Ang ilan sa kanila, taga-repost, retweet, tagagawa ng memes at influencers na may maraming followers sa kanilang social networking sites.

Binabayaran sila sa pagpapakalat ng fake news.

"If you have these troll farms amplifying misinformation, lies, even fake news, this will clearly impact how our people will decide in the conduct of an election... Can you imagine a president elected by trolls? So we'll have a troll president for that matter," sabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

Sabi ni Professor Jonathan Ong, disinformation researcher ng Harvard University, halalan 2016 pa lang, naglipana ang troll farms base na rin sa kanilang ginawang pag-aaral at maging noong 2019 midterm elections.

Pero ngayon aniya, nag-iba na ng estratehiya ang mga troll para hindi ma-suspend ang kanilang mga pekeng account, lalo’t madali na silang matukoy gaya sa Facebook.

"Disinformation and influenced operations are becoming more harder to track, becoming more targeted. So if you recall in 2016, we have the so called purveyor of fake news. These are high level online celebrities or mega influencers. They have millions of followers in social media. Nakikita natin kung ano sinasabi nila. People can fact check them. But in 2019 elections, [it] becomes more micro targeted," ani Ong.

Noong 2019, gumamit din aniya ang mga trolls ng mga parody accounts o fake politician accounts na may halong komedya at inspirational quotes para i-promote ang isang politiko.

Hindi anya ito halata, pero nakaka-impluwensya ng mga tina-target na online community.

Sabi naman ng campaign strategist na si Alan German, nagbago na talaga ng style ang mga troll dahil sa crackdown at fact check na ginagawa.

"More on machinery building na yung mga troll ngayon. Hindi na sila pangkuyog. Hindi na sila pang-attack... Ngayon, it's more of engagement tools," ani German.

Sabi ni Sen. Panfilo Lacson, pangontra sa mga pekeng account ay i-report ang mga ito at agad ding i-block.

—Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
fake news
troll
disinformation
misinformation
Carlos Zarate
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT