Overloading ng pasahero sa mga jeep at bus sa Antipolo, sinita | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Overloading ng pasahero sa mga jeep at bus sa Antipolo, sinita

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Jun 23, 2021 03:01 PM PHT

Jeepneys & buses caught full of passengers were caught & issued overloading violation tickets along Masinag Highway in Antipolo City, Rizal.
PUVs remain at 50% capacity under gov’t guidelines
📸:i-ACT pic.twitter.com/4jNpNrtfBZ
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) June 23, 2021

MAYNILA - Tila walang pandemya sa pagkapuno ng pasahero ang mga pampublikong sasakyan na bumabaybay sa Masinag Highway sa Antipolo papuntang Cubao, Quezon City.

Nasa 30 jeep at bus na ang pinaghuhuli ng mga enforcer ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) sa kanilang operasyon sa highway Miyerkoles ng umaga.

Natiyempuhan nila ang ilang jeep na sumisiksik na sa pag-upo ang ilang pasahero.

Tayuan na rin at hindi na nasunod ang one-seat apart policy sa ilang mga bus na pinatigil ng mga enforcer.
Tayuan na rin at hindi na nasunod ang one-seat apart policy sa ilang mga bus na pinatigil ng mga enforcer.
ADVERTISEMENT
Hindi pinatutuloy ang biyahe ng mga ito hangga’t hindi nagbababa ng pasahero para masundan ang 50-percent capacity sa mga PUV.

May bus pa na bukod sa overloading ay paso na ang rehistro kaya inalisan ito ng plaka.

Nakiusap ang ilang konduktor at driver sa mga enforcer na huwag na silang tiketan. Katuwiran nila, kailangan nilang magsakay ng mga pasahero dahil wala silang kikitain.

Ang overloading ay may multang P2,000 para sa first offense, at P3,000 at P5,000 naman ang babayaran sa 2nd at 3rd offense.

Umabot ng 10 minuto ang paghihintay ng mga pinababang pasahero para makasakay sa panibagong PUV.

Ang ilang hindi na makahintay, pumara na ng taxi.

Bukod sa pagsita sa mga sasakyan, namigay rin ng face shields ang mga taga-i-ACT sa mga nadadatnang commuter at pedestrian na walang suot nito.

Read More:
i-ACT
transportation
commuting
jeep
bus
transport
Inter-Agency Council for Traffic
PUV
traffic
Congressional Avenue
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT