Bantay Bata 163, CWC sanib-puwersa para protektahan ang mga bata sa gitna ng pandemya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

News

Bantay Bata 163, CWC sanib-puwersa para protektahan ang mga bata sa gitna ng pandemya

Bantay Bata 163, CWC sanib-puwersa para protektahan ang mga bata sa gitna ng pandemya

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dobleng pasensiya ang pinapairal ngayon ng inang si Jessica Besas dahil araw-araw, kailangan niyang asikasuhin ang iba't ibang pangangailangan ng 6 na anak.

Kasabay nito ang alalahanin ng pantustos sa pamilya, lalo't ngayon pa lang bumabawi sa paghahanapbuhay ang mister niyang fish vendor matapos ang higit 3 buwang community quarantine.

"Dumating po sa puntong wala na kaming makain," ani Besas. "Kaya na-stress ako, nasigawan ko iyong mga anak ko."

"Pinapaunawa ko lang po sa kanila na kaya kita nasasaktan kasi mahal kita para 'di mo na ulitin," aniya.

ADVERTISEMENT

Kagaya ni Besas, maraming pamilya ang nakararanas ng matinding stress ngayong community quarantine at may nauuwi pa sa mas malalang pagtrato sa mga bata.

Sa datos ng Bantay Bata 163, dumami nang 148 porsiyento ang mga tumawag at nangangailangan ng psycho-social support at counseling habang may quarantine.

"Hindi sanay kasi ang ating mga pamilya ang ating mga magulang na 24/7 nakakulong ka sa iisang lugar, sa iisang bahay... Kaya umiiksi iyong pasensiya," ani Bantay Bata 163 program director Jing Castañeda.

"Worlwide sinasabi nga ng mga eksperto, mental health issues and child abuse, those are the next pandemic," dagdag ni Castañeda.

Mula Pebrero 2 hanggang Marso 15 o sa loob ng 42 araw, nasa 202 ang nag-report ng child abuse at exploitation sa Bantay Bata 163.

Pero noong sumunod na 42 araw o mula Marso 16 hanggang April 26, umabot sa 768 ang report na natanggap ng Bantay Bata.

"Akala natin, ang connotation natin is safe haven sa bahay... pero dito sa study, pangingilabutan ka, dahil karamihan na ang perpetrator pa o gumagawa pa ng violence ay iyong pamilya," ani Mitch Cajayon-Uy, executive director ng Council for the Welfare of Children (CWC).

Nagtutulungan ngayon ang Bantay Bata 163 at CWC sa pagbuo ng mga patakaran para sa kapakanan ng mga bata.

Nagsisilbing hotline ng CWC ang Bantay Bata 163 para mapalawak ang kampanya hanggang sa mga probinsiya.

Ayon sa child psychotherapist na si Ali Ng-Gui, malalim ang sugat na naidudulot ng maling pagtrato sa mga bata.

Nagpaalala rin si Ng-Gui sa mga magulang na iwasang pagbuntunan ng galit at stress ang mga anak.

"Huwag kang haharap sa anak mo 'pag stressed out ka," ani Ng-Gui.

"Kailangan mong matutunan iyong mga bagay na hindi mo ma-control, alisin mo na sa kamay mo," aniya.

Nagbigay din ng tips si Ng-Gui kung paano matutulungan ang mga anak para maalagaan ang kanilang mental health sa panahon ng new normal.

"The best way is to really discuss it with them... Let us ask them, 'Ano ba sa tingin mo ang magandang gawain mo habang nandito ka sa bahay?'" anang doktora.

"Always create a certain routine everyday para sa kanila," sabi ni Ng-Gui.

Mainam din umanong bantayan ang kinakain ng mga bata at pag-ehersisyuhin sila. -- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.