Trak 'lumubog' sa kalsada sa Maynila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Trak 'lumubog' sa kalsada sa Maynila
Trak 'lumubog' sa kalsada sa Maynila
ABS-CBN News
Published Jun 23, 2019 09:50 AM PHT
|
Updated Jun 23, 2019 05:50 PM PHT

MAYNILA -- Tila nilamon ng kalsada ang isang 14-wheeler na trak sa may Roxas Boulevard matapos bumigay ang kalye nitong Linggo ng madaling araw.

Kuwento ng drayber na si Michael Lagco, tila kinain umano ng lupa ang trak sa kanto ng Remedios Street at Roxas Boulevard.

Pansamantalang hindi madaanan ang kalsada at nilagyan na rin ng harang ng mga awtoridad.

Naglagay na ng orange barriers ang DPWH at MMDA sa paligid ng truck. May mga nakita rin mga crack sa kalsada. pic.twitter.com/mExNq9hvbG
— Jekki Pascual (@jekkipascual) June 22, 2019

Puno ng buhangin ang trak na mula pa sa Pampanga at maghahatid sana ng karga nito sa Baywalk para sa pagsasaayos ng Manila Bay.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Arnel Isanan, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Sector Commander ng Roxas Boulevard, inaasahan na matatagalan pa bago matanggal ang trak sa lugar.

Nahulog daw ang trak sa drainage na palabas ng Manila Bay. Lumusot daw ito doon sa bahagi ng kalsada na walang suporta sa ilalim.

Tintingnan din ng MMDA at Department of Public Works and Highways kung apektado ang ibang bahagi ng kalsada dahil may mga crack na rin.

-- ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT