Lalaki huli sa ilegal na pag-iingat ng mga baril, bala sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2019 02:49 PM

Naaresto noong hapon ng Sabado ang isang lalaki makaraang makumpiskahan ng mga awtoridad ng sari-saring mga baril at bala sa kaniyang bahay sa Parañaque City.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga pulis ang bahay ng 41 anyos na suspek sa may Better Living Subdivision, Barangay Don Bosco, ayon sa ulat ng Souther Police District.

Kasama sa mga nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 na revolver, kalibre .22 na revolver, Uzi pistol, mga bala para sa iba't ibang kalibre ng baril, at isang body vest.

Nakuha rin umano sa suspek ang 7 motorsiklo na pinaghihinalaang na-carnap dahil walang mga rehistro.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. -- Ulat ni Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.