TINGNAN: 7 bahay apektado ng pagguho ng lupa sa Davao City | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: 7 bahay apektado ng pagguho ng lupa sa Davao City

TINGNAN: 7 bahay apektado ng pagguho ng lupa sa Davao City

ABS-CBN News

Clipboard

Patuloy na nagsasagawa ng clearing operations sa lugar matapos ang landslide sa Paquitbato District sa Davao City ngayong Hunyo 22, 2021. Larawan mula sa Paquibato Police Station

Pitong bahay ang apektado ng naganap na pagguho ng lupa sa Sitio Pungko, Barangay Salapawan, Paquibato District, Davao City, Martes ng madaling araw.

Ayon sa Paquibato Police Station, wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari.

Lumambot umano ang lupa sa lugar dahil sa mga nagdaang pag-ulan, kaya nangyari ang pagguho.

Hindi pa madaanan ang kalsada sa sitio dahil sa landslide pero isinasagawa na ang road clearing operation sa lugar.

ADVERTISEMENT

Patuloy din ang assessment ng barangay sa mga apektadong residente.

- Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.