PatrolPH

1 patay, 2 sugatan sa landslide sa Davao de Oro

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2021 11:45 AM

1 patay, 2 sugatan sa landslide sa Davao de Oro 1
Patay ang 70 anyos na residente matapos na matabunan ng gumuhong lupa ang kaniyang bahay sa Purok 22, Barangay Mt. Diwata sa Monkayo, Davao de Oro, Marso 1, 2021. Larawan mula sa Monkayo Disaster Risk Reduction and Management Office

Patay ang isang 70 anyos na babae habang dalawang iba pa ang sugatan sa naganap na landslide sa Monkayo sa Davao de Oro, Lunes ng hapon.

 

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) na si Alicia Cabunoc, Martes ng umaga narekober ang bangkay ni Rizalda Matambonoy.

Naganap ang pagguho ng lupa sa Purok 22, Barangay Mt. Diwata sa bayan ng Monkayo.

Dalawang residente din ng lugar ang nasugtan sa insidente at ginagamot na sa ospital.

Apat na bahay ang nawasak dahil sa landslide habang dalawang bahay naman ang damaged.

Ayon kay Cabunoc, maaaring naging sanhi ng landslide ang malalakas na pag-ulang bunsod ng bagyong Auring at ang isinasagawang road construction sa lugar.

Matagal na ring landslide-prone ang lugar base sa report ng Mines and Geosciences Bureau.

Nananatili muna sa evacuation center ang walong pamilyang apektado ng landslide habang patuloy ang clearing operation sa lugar.

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.