Sunog sumiklab sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2019 03:53 AM | Updated as of Jun 22 2019 07:16 PM

MAYNILA—Sumiklab ang sunog sa Sitio Gulayan, Barangay Moonwalk, Multinational Village, Parañaque City Biyernes ng gabi.

Nasunog ang nasa 20 bahay at 50 pamilya ngayon ang nawalan ng tirahan. 

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy pasado alas-11 ng gabi.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga bahay dahil bukod sa dikit-dikit, gawa din ito sa mga materyales na mabilis masunog.

Watch more in iWantTFC

Bandang ala-1 ng madaling araw ng Sabado tuluyang naapula ang apoy. 

Problema ng mga nasunugan kung saan manunuluyan kaya nananawagan sila ng tulong sa mga awtoridad.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa nasa P150,000 halaga ng mga ari-arian.

— Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.