PNP: BIFF nasa likod ng ambush sa Maguindanao del Sur | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP: BIFF nasa likod ng ambush sa Maguindanao del Sur

Raya Capulong,
ABS-CBN News
Published Jun 21, 2023 09:22 PM PHT

MANILA — Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang grupong nasa likod sa nangyaring ambush sa Barangay Poblacion sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur na ikinamatay ng dalawang pulis at ikinasugat ng apat, noong Hunyo 14.

Inihahanda na umano ng mga awtoridad ang kaukulang dokumento para masampahan ng reklamo ang mga unang tinukoy nilang person of interest, ayon sa tagapagsalita ng PNP na si P/Col. Jean Fajardo.

"Base po sa ugnayan natin sa regional director ng [Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region], may mga witnesses na nakapag-identify at nakapagbigay ng infornation as to the identity nitong mga possible suspect behind the ambush... I understand po miyembro po sila ng [Bangsamoro Islamic Freedom Fighters] po," ani Fajardo.

Katuwang ang Armed Forces of the Philippines, tuloy-tuloy ang pagpapanatili ng PNP ng peace and order sa naturang lugar.

ADVERTISEMENT
Namatay sa naturang ambush sina Patrolman Saiponden Shiek Macacuna at Patrolman Bryan Polayagan.

Patuloy namang nagpapagaling sa ospital ang mga sugatan na sina Patrolman Arjie Val Loie Pabinguit, Patrolman Abdulgafor Alib, Police Staff Sgt. Benjie Delos Reyes, at Police Chief Master Sgt. Rey Vincent Gertos.

Nauna nang kinondena ng PNP ang krimen kasabay ng pagtitiyak na sisikapin nilang makamit ang hustisya para sa naulilang pamilya ng mga biktima.

Read More:
PNP
Maguindanao del Sur
ambush
Philippine National Police
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters
BIFF
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT