PNP kinondena ang ambush sa Maguindanao del Sur na ikinasawi ng 2 pulis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PNP kinondena ang ambush sa Maguindanao del Sur na ikinasawi ng 2 pulis

PNP kinondena ang ambush sa Maguindanao del Sur na ikinasawi ng 2 pulis

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Mariing kinondena ng PNP ang nangyaring ambush sa Barangay Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur na ikinasawi ng 2 pulis at ikinasugat ng 4 na iba pa Miyerkoles ng gabi.

Sa inilabas na pahayag ng PNP, sinabi ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. na mariin nilang kinukondena ang nangyaring pananambang at tiniyak nito na makakamit ang hustisya.

Batay sa imbestigasyon ng PNP, pabalik na sana sa Kampo Datu Akilan ang 6 na pulis pagkatapos nilang magpatrolya ng mangyari ang insidente alas 8:30 ng gabi nitong Miyerkoles.

Kinilala ang mga nasawi na si Patrolman Saipoden Shiek Macacuna at Patrolman Bryan Polayagan, na kapwa nakatalaga sa Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao Police Provincial Office.

ADVERTISEMENT

Sugatan naman sina Chief Master Sgt. Vincent Gertos, Staff Sgt. Benjie delos Reyes, Patrolaman Arjie Val Louie Pabinguit at Patrolman Abdulgafor Alib.

Nagpaabot ng pakikiramay ang PNP sa mga naulialang pamilya ng mga nasawing pulis.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa mga salarin at pinaigting na rin anila ang seguridad sa probinsiya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.