Estudyante, tanggap sa 6 paaralan abroad pero 'di tutuloy dahil kulang sa pondo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Estudyante, tanggap sa 6 paaralan abroad pero 'di tutuloy dahil kulang sa pondo

Estudyante, tanggap sa 6 paaralan abroad pero 'di tutuloy dahil kulang sa pondo

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 23, 2022 12:21 PM PHT

Clipboard

Nakapasa sa 6 iba
Nakapasa sa 6 iba't ibang kolehiyo abroad si Hannah Ragudos, isang graduating high school student mula sa Alaminos City. Larawan mula kay Hannah Ragudos

ALAMINOS CITY - Tanggap sa anim na kolehiyo sa ibang bansa ang graduating high school student na si Hannah Ragudos mula sa lungsod na ito sa Pangasinan.

Pero, hindi tutuloy sa kahit isa doon ang estudyante bagaman may kaakibat na scholarship ang ilan sa mga ito, dahil sa kakulangan pa rin ng pondo na dapat ay manggaling sa kaniya para matustusan ang pag-aaral.

Naipasa ni Ragudos ang college admission sa Arizona State University, Chatham University, Florida Institute of Technology, New England Institute of Technology, Pennsylvania College of Technology, at University of Arizona.

Sa University of Arizona, dalawang kurso ang kaniyang naipasa.

ADVERTISEMENT

Kaakibat sa kaniyang mga nakuhang college admissions ay scholarships na nagkakahalaga ng halos P4 milyon.

Gayunpaman, hindi pa rin kayang matustusan ang pag-aaral niya abroad, anang estudyante.

"Since financially incapable pa rin po kahit may scholarship po para tustusan po yung fees, almost P2 million po per academic year sa US po, kaya hindi ko na po pinush," ani Ragudos.

Mabuti na lang at natanggap rin siya sa pitong unibersidad dito sa Pilipinas.

Bilang isang aspiring software engineer, pinili niyang kumuha ng kursong BS Computer Science sa Saint Louis University sa lungsod ng Baguio.

Si Ragudos ay isang student film maker at itinuturing na Film Ambassador ng Film Development Council of the Philippines.

Ang kaniyang mga obrang pelikula gaya ng "Ana Bikhayr" at "Decalcomania" ay nagwagi sa sari-saring patimpalak sa ibang bansa.

- ulat ni Melinda Ramo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.