Pulis, nobya mula Dumaguete City positibo sa COVID-19 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis, nobya mula Dumaguete City positibo sa COVID-19

ABS-CBN News
Published Jun 21, 2020 03:48 PM PHT

Umabot na sa 23 ang kabuuang bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease sa Negros Oriental matapos mahawahan ang isang pulis at kaniyang nobya mula Dumaguete City, sabi ngayong Linggo ng lokal na health officer.

Ayon kay Liland Estacion, assistant provincial health officer, isang 48 anyos na pulis ang dumating sa Dumaguete City noong Hunyo 12 para sa assignment nito.

Nakipagkita rin umano ito sa nobya nito noong parehong araw.

Nagpa-check up ang pulis noong Hunyo 15 dahil sa masamang pakiramdam at kinabukasan ay isinailalim sila ng nobya niya sa swab test, ayon kay Estacion.

ADVERTISEMENT
Hunyo 19 nang lumabas umano ang resultang positibo ang magkasintahan sa virus.

Ayon kay Estacion, naka-admit sa isang pribadong ospital ang pulis habang naka-home quarantine naman ang nobya dahil ito ay asymptomatic o walang pinapakitang sintomas.

Sinabi ni Estacion na maaaring ang pulis ang nagdala ng virus sa nobya dahil galing itong Cebu.

Sa buong bansa, umabot na sa 29,400 ang kabuuang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19, base sa tala ng Department of Health noong Sabado. -- Ulat ni Mitch Lipa, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regional news
Dumaguete City
Negros Oriental
coronavirus disease
COVID-19
coronavirus Philippines update
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT