Sulat ng anak sa Father's Day, di na umabot sa sundalong nasawi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sulat ng anak sa Father's Day, di na umabot sa sundalong nasawi

ABS-CBN News
Published Jun 21, 2017 06:40 PM PHT

Hindi na naibigay ng limang taong gulang na si Yffhny Buggay ang sulat para sa ama na regalo sana nito para sa Father's Day.

Napatay kasi ang kanyang amang si Pfc. Brian Buggay sa engkuwentro ng 71st Infantry Batallion at New People's Army sa Barangay New Barili sa Compostela Valley noong Linggo.

"Happy Father's day, Daddy. I love you. Thank you sa pag love ug pagsakripisyo Daddy. Love, Polee," sabi nito.

Iyon ang isinulat ni Yffhny sa Father's Day card na dinrowingan din niya ng puso at ng isang mag-ama.
Iyon ang isinulat ni Yffhny sa Father's Day card na dinrowingan din niya ng puso at ng isang mag-ama.
ADVERTISEMENT
Puno ito ng pasasalamat sa pagmamahal at pagsasakripisyo ng ama para sa pamilya, ngunit hindi na ito nabasa ni Buggay na namatay sa mismong araw ng mga ama.

Sunod nang nakita ni Yffhny ang ama sa loob ng isang kabaong nang maiuwi ang mga labi nito sa kanilang tahanan sa Camarines Norte.

Mayo pa nang huling magkita ang pamilya.

Bago pumanaw, nagawa pang batiin ni PFC Buggay ang misis na si Jonna sa kaarawan nito noong Hunyo 12, kaya naman labis ang pangungulila ngayon ng mag-ina.

Sa kabila ng hinagpis na ito, ipinagmamalaki ni Jonna na namatay ang asawa habang naglilingkod sa bayan.

"Iyong asawa ko po is sobrang bait, concerned, charitable, marespeto," ani Jonna.

"Kahit namatay po iyong asawa ko, at least alam kong nasa mabuting kalagayan siya, nasa Panginoon. At least nakatulong po siya sa bayan natin," dagdag pa niya.

Kasama naman sa mga napatay si Pfc Nel Formentura. Iuuwi na rin ang mga labi nito sa kanyang pamilya sa Camarines Norte.

Bukod sa death benefit claims, mag-aabot ang pamahalaan ng tulong pinansiyal sa pamilya nina Buggay at Formentura, pati na rin sa pamilya ng iba pang nasawi at nasagutan sa bakbakan.

Binigyan naman ng wounded personnel medal ang anim pang sugatang sundalo na kasalukuyang nagpapagaling sa Camp Panacan Station Hospital.

-- Ulat ni Angelo Caballero, ABS-CBN News
Read More:
regional news
Davao
military
NPA
new people's army
patrolph
tagalog news
tv patrol
angelo caballero
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT