35 inmate ng Metro Bacolod District Jail, nagtapos sa elementary, high school | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

35 inmate ng Metro Bacolod District Jail, nagtapos sa elementary, high school

35 inmate ng Metro Bacolod District Jail, nagtapos sa elementary, high school

Nico Delfin,

ABS-CBN News

Clipboard

BACOLOD CITY - Nasa 35 inmate ng Metro Bacolod District Jail-Handumanan ang nakapagtapos ng elementary at high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education.

Ginanap ang kanilang graduation nitong Huwebes.

Isa si alyas "Benjie" sa mga nakapagtapos ng pag-aaral. Sa edad na 43 anyos, umabot lamang sa third year high school ang natapos niya.

Sa kabila ng kaniyang pagkakakulong, nagpursige si Benjie para makamit ang kaniyang pangarap. Bukod sa pagtatapos sa pag-aaral, first honor rin si Benjie.

ADVERTISEMENT

"Masaya ako na nakapagtapos ako. Gusto ko rin sana na may kurso rin ako," aniya.

Bahagi ang alternative education sa programa ng MBDJ-Handumanan para sa kanilang mga inmate.

"Ang approach ng BJMP when it comes to rehabilitation is wholistic approach. We are not focused only sa spiritual and skills development. We also focus on the intellectual aspect," paliwanag ni Police Captain Norberto Miciano Jr., jail warden ng MBDJ-Handumanan.

Sa 35 nagtapos, 28 ang nakapagtapos ng high school, habang pito naman ang nakapagtapos ng elementarya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.