Pader bumigay sanhi ng malakas na ulan sa Davao City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pader bumigay sanhi ng malakas na ulan sa Davao City

Claire Cornelio,
ABS-CBN News
Published Jun 20, 2018 11:05 AM PHT

DAVAO CITY - Bumigay ang isang pader sa Barangay 19-B Garcia Heights matapos gumuho ang lupa bunsod ng malakas na pag-ulan, Martes ng gabi.

Ayon sa residenteng si Lando Lancho, may napondo na tubig sa lupa kaya bumigay ang pader. Wala namang nasaktan sa insidente.

Binaha rin ang ilang kalsada sa lungsod tulad ng Arellano Street at Mt. Apo Street na halos hanggang tuhod ang tubig.

Sa kabila ng pagtila ng ulan, napondo rin ang baha sa kanto ng Jacinto Extension at Quirino Avenue na lampas talampakan ang lalim ng tubig. Bumaha rin sa F. Torres Street.

ADVERTISEMENT
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang malakas na pag-ulan ay dala ng localized thunderstorm.

Mabilis namang humupa ang tubig sa mga kalsada habang walang naitalang na-trap o inilikas dahil sa baha.

Pinaalalahanan pa rin ang mga residenteng malapit sa ilog na maging alerto sa posibleng pag-apaw ng tubig.