‘Dapat di pinatay’: Pamilya ng 16 anyos na binaril sa Laguna drug ops naghihinagpis | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Dapat di pinatay’: Pamilya ng 16 anyos na binaril sa Laguna drug ops naghihinagpis

ABS-CBN News
Published Jun 19, 2021 07:09 PM PHT
|
Updated Jun 20, 2021 12:21 AM PHT

Hustisya ang panawagan ng pamilya ng 16 anyos na lalaking pinaslang sa isang anti-drugs operation sa lungsod ng Biñan, Laguna.

Namatay sa isang anti-drugs operation sa Barangay Canlalay ang 16 anyos na si Jhondie Helos nitong Miyerkoles, Hunyo 16.

"Ang hindi lang namin matanggap ’yung pagpatay sa kanya na brutal. Kung may mali ang anak ko o wala, dapat hindi nila pinatay, dapat hinuli na lang nila, ikulong para magbagong buhay ’yung anak ko," ani Cristina Maglinte, ina ng menor de edad.

Sa spot report ng pulisya, una umanong nagpaputok ang aarestuhin sana nilang si Antonio Dalit at si Helos kaya nauwi ito sa barilan.

ADVERTISEMENT
Pero duda rito ang kapatid ni Dalit na si Lydia.

“Kung lumaban po ang kapatid ko may isang pulis na mamamatay kasi hindi po siya kita sa loob ng kubo nya,” aniya.

Dalawang beses na umanong naaresto si Dalit dahil sa droga.

Panibagong kaso ng droga umano ang arrest warrant na isinilbi nitong huli.

Kinondena ng Kabataan Party-list ang operasyon lalo’t may nadamay na menor de edad.

Pinaiimbesigahan ni Sen. Risa Hontiveros ang insidente sa Senado, habang may sarili ring imbestigasyon ang Commission on Human Rights.

Iniutos na rin ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang malalimang imbestigasyon.

“Aking iniutos lahat ng mga pulis na kasali sa operasyon ay under restrictive custody na at isinailalim sa paraffin test. At mga baril naman na ginamit sa operasyon ay kasalukuyang isinasailalim sa ballistic examination at natapos na rin ang autopsy ng mga labi ng dalawang nasawi,” ani Eleazar.

Nananawagan din si Eleazar sa tulong ng komunidad sa imbestigasyon.

Inalis sa puwesto ang 10 pulis na kasama sa drug operation, habang gumugulong ang imbestigasyon.

— Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Laguna
drug ops
drug operations
Biñan
extrajudicial killings
drugs
Guillermo Eleazar
Jhondie Helos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT