2 suspek patay, P1.35-M halaga ng shabu narekober sa drug bust sa Digos City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 suspek patay, P1.35-M halaga ng shabu narekober sa drug bust sa Digos City

ABS-CBN News
Published Jun 19, 2021 01:18 PM PHT

Patay ang dalawang suspek habang nasa P1.35 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober sa kanila sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Aplaya, Digos City, Biyernes ng gabi.

Ayon sa awtoridad, napatay sa operasyon si alyas Ato, 30-anyos, at kasama nitong lalaki na hindi pa nakikilala.

Arestado din sa operasyon ang kasama nilang babae na si alyas "Sheka," 23.

Natunugan umano ng tatlo na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya bumunot ng baril ang isa sa kanila. Pero inunahan umano ng operatiba sa pagbaril ang mga suspek.

Narekober sa crime scene ang isang .38 revolver, mga basyo ng bala at live ammunition.

Umabot naman sa 90 gramo ang nasamsam ng mga operatiba na hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P1.35 milyon.

Nasa kustodiya na ng pulisya si alyas Sheka na haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

- Ulat ni Hernel Tocmo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT