PatrolPH

Babaeng nagbebenta umano ng droga tiklo sa Las Piñas; P1.3 milyong shabu nasabat

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2021 05:09 PM


Nahuli na ng pulisya ang babaeng suspek sa pagtutulak ng droga na itinuturong kasabwat sa iligal na transaksiyon ng isang drug personality sa Bicol.

Nangyari ang operasyon sa General Luna St. Barangay Manuyo Uno, Las Piñas City noong Miyerkoles.

Nasa 200 grams na tintayang nasa P1.3 million pesos ng hinihinalang shabu ang narekober sa operasyon. 

Ayon sa Bicol PNP, mas pinaigting ang kanilang isinasagawang surveillance and monitoring lalo na sa mga malalaking personalidad na nagsusuplay ng iligal na droga sa rehiyon.

"Tayo ay hindi titigil bagkus mas palalawigin pa natin ang ating operasyon upang mapagtagumpayan ang labang ito. Kaisa ang iba pang sangay ng gobyerno, sama sama nating tapusin ang suliranin natin sa iligal na droga, wag nating hayaang gawing pugad ng iligal na aktibidad ang rehiyong ito," ani Bicol PNP Regional Director Police Brig. Gen. Jonnel Estomo.

-- Ulat ni Karren Canon

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.