Puwersa ng pulisya sa Cebu City dinagdagan pa para sa ECQ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Puwersa ng pulisya sa Cebu City dinagdagan pa para sa ECQ

Puwersa ng pulisya sa Cebu City dinagdagan pa para sa ECQ

Zhander Cayabyab,

ABS-CBN News

Clipboard

Pictures courtesy of PNP-PIO

Nagpadala ng dagdag na pulis sa Cebu City para makatuwang ng lokal na puwersa doon matapos ibalik sa enhanced community quarantine ang lungsod, ayon kay Philippine National Police Chief General Archie Francisco Gamboa.

Isandaang pulis mula Western Visayas at Eastern Visayas ang idinagdag na puwersa sa Metro Cebu upang makatulong sa mga checkpoint at pagbabantay sa pampublikong lugar.

Pictures courtesy of PNP-PIO

Inatasan si Police Major General Israel Dickson, Director for Integrated Police Operations sa Visayas, na i-monitor ang buong tropa. Pinatitiyak din sa Regional Health Services ng Western at Eastern Visayas ang kalusugan ng mga pulis.

Ibinalik sa ECQ ang Cebu City mula June 16 dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.