Mga paso na may mukha ng frontliners, agaw-pansin sa Isabela | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga paso na may mukha ng frontliners, agaw-pansin sa Isabela

Mga paso na may mukha ng frontliners, agaw-pansin sa Isabela

Darlene Gemino Ballad,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 19, 2020 08:03 PM PHT

Clipboard

ALICIA, Isabela - Agaw-pansin ang mga paso sa bakuran ng pamilya Fabros sa nasabing bayan dahil nakapinta dito ang mukha ng mga doktor at uniformed personnel na kumakatawan sa mga frontliner sa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bukod dito, may mga larawan din ng ilang kilalang personalidad gaya ni Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Manny Pacquiao, at Kapamilya star Angel Locsin.

Gawa ito ng tattoo artist na si Rey Fabros habang may lockdown gamit ang mga patapong mineral water bottle bilang canvass.

Aniya, pagsaludo at pasasalamat niya ito sa mga frontliner na patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19.

"Naisipan ko pong gumawa ng paso at dito iginuhit po ang imahe ng ating mga frontliners, kasama na rin po ang mga taong tumutulong sa ating mga kababayan sa gitna na pandemic na ating kinahaharap sa ngayon, sila po ang naging inspirasyon ko para mabuo po ito," sabi ni Fabros.

ADVERTISEMENT

Marami pa siyang iginuhit o sketch na sumisimbulo ng katatagan at pagkakaisa ng mga Pinoy.

Nakakamangha rin ang iba pang obra ni Rey gamit ang mga toothpick. Gaya ng portrait ng ilang sikat na celebrity tulad ni Da King Fernando Poe Jr., NBA star Kobe Bryant, at Kapamilya star Vice Ganda.

"Payo ko lang po sa mga kapuwa ko artist, sana po ilabas lang po natin ang ating mga nasa isip na puwedeng gawin at para makabuo tayo ng mas marami pang obra," dagdag niya.

Patuloy na magbibigay ng inspirasyon si Fabros sa publiko lalo na ngayong nahaharap pa rin sa malaking hamon at krisis ang bansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.