LTFRB, tiniyak na hindi agad mawawala ang lumang jeep | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LTFRB, tiniyak na hindi agad mawawala ang lumang jeep

LTFRB, tiniyak na hindi agad mawawala ang lumang jeep

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 20, 2017 12:18 AM PHT

Clipboard

Tiniyak ng mga ahensiya ng pamahalaan na hindi agad mawawala ang mga lumang jeepney sa kalsada sa kabila ng modernization program nito.

Pinirmahan na ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang modernization program kasabay ng paglabas sa omnibus franchising guidelines o OFG.

Base sa OFG, nakasalalay sa mga lokal na opisyal ang pagtukoy ng mga ruta ng mga makabagong sasakyan.

Tatlong taon ang nakikitang transition period dito kaya wala umanong basehan ang pangambang bukas makalawa ay wala na sa lansangan ang mga lumang jeep.

ADVERTISEMENT

"Pangako sa inyo itutuloy-tuloy natin 'yung dayalogo, 'yung kombersasyon na kung saan kung merong mga punto o mga bagay bagay na dapat pag-usapan at babaguhin, pag-uusapan at babaguhin 'wag lang nating agarang tiradurin ang lumilipad na programa," ayon kay DOTr secretary Art Tugade.

Siniguro rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi agad-agad mawawala sa kalsada ang mga jeepney.

“Maglalabas muna ng provisional franchise do’n sa mga papaso na ang prangkisa hanggang sa maka-modernize na sila, aayudahan naman sila,” ayon kay Atty. Aileen Lizada ng LTFRB.

Ayon pa kay Trade and Industry secretary Mon Lopez, nakikipagtulungan ang gobyerno sa mahigit 20 private and public agencies para mapababa ang presyo ng mga modernong jeepney.

Halos 14 na taon sa loob ng iba’t ibang nagdaang administrasyon na hindi napansin ang modernization program.

Agad naman itong binigyang-pansin ng administrasyon matapos umanong makita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang napakahabang pila ng commuter.

“May pag-asa itong ginagawa nating ito. Let's look at it like that ‘wag ‘yung walang pag-asa wala, walang mangyayari sa’tin no’n,” apela ni executive secretary Salvador Medialdea.

Grupong Piston, nagprotesta kontra modernization program

Sa kabila nito, hindi nagpapapigil ang grupong Piston at nagsagawa pa rin sila ng candle lighting vigil; nagmartsa, at nagprotesta pa rin sila.

Ayon sa grupo, papatayin ng programa ang maraming drivers, operators, maraming pamilya at iba pang nakadepende sa industriya ng jeepney.

"Pirmahan na nila 'yan, hindi diyan nagtatapos ang laban," ayon kay George San Mateo, pangulo ng grupong Piston.

Sa kabuuan, mahigit kumulang limang milyon sa buong bansa ang apektado.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.