Guro patay matapos hagisan ng granada ang bahay sa Cotabato | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Guro patay matapos hagisan ng granada ang bahay sa Cotabato

ABS-CBN News
Published Jun 18, 2023 12:46 PM PHT

Patay ang isang guro matapos hagisan ng granada ang kaniyang bahay sa Pikit, Cotabato, ayon sa pulisya.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marichu Cabañog, guro ng isang pampublikong paaralan sa bayan.

Isinugod pa sa isang ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Batay sa imbestigasyon ng Pikit Municipal Police, natutulog ang biktima kasama ang kanyang pamilya nang marinig ang pagsabog sa kanilang bahay sa Barangay Ginatilan noong madaling araw ng Huwebes.

Nakita na lang umanong nakahandusay ang biktima dahil sa tama ng shrapnel sa katawan dahil sa granada.

Kinondena ng paaralan at ng mga awtoridad ang pangyayari.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente at inaalam ang salarin at motibo sa krimen.

Noong Mayo, patay din ang isang guro at isang guro rin ang sugatan sa pamamaril sa bayan ng Pikit.

—Ulat ni Hernel Tocmo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT