PatrolPH

Driver patay nang mahulog ang sasakyan sa dagat

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2022 02:44 PM

Larawan mula kay Diana Napoles
Larawan mula kay Diana Napoles

DAVAO DEL NORTE – Patay ang isang 64-anyos na driver matapos mahulog ang sasakyan nito dagat ng Mae Wess Port, Brgy. Kinawitnon, Island Garden City of Samal (IGACOS), Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Coast Guard Station ng IGACOS, nakaparada ang sasakyan habang naghihintay ng barge ang biktima sa pantalan papuntang Davao City.

Pero bigla umanong dumiretso ang sasakyan nito at nahulog sa dagat.

Sinubukan pang i-rescue ng mga awtoridad ang biktima pero idineklara na itong dead on arrival sa ospital.

Nagpaalala ang coast guard sa mga driver na kailangang mag-ingat sa pagmamaneho para iwas disgrasya.

—ulat ni Chrislen Bulosan

IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.