Babae patay matapos mahulog sa traysikel sa Iloilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae patay matapos mahulog sa traysikel sa Iloilo

Babae patay matapos mahulog sa traysikel sa Iloilo

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang babae matapos mahulog sa sinasakyang traysikel sa Barangay Aripdip, San Rafael, Iloilo, Huwebes ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Lorna Lenarisas, 56 taong gulang at nakatira sa Barangay Daan Banwa.

Base sa imbestigasyon ng San Rafael PNP, may iniwasan na bola sa gitna ng kalsada ang traysikel na sinasakyan ng biktima.

Dahil dito, tumagilid ang traysikel at tumilapon ang biktima na nakasakay sa likod ng driver.

ADVERTISEMENT

Nabagok sa semento ang ulo ni Lenarisas na kaagad na dinala sa ospital ng mga miyembro ng BFP San Rafael at MDRRMO San Rafael.

Pero makalipas ang ilang oras ay namatay ang biktima habang ginagamot.

Nasa kustodiya na ng San Rafael PNP ang driver ng traysikel at hinihintay pa ang magiging desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa ng kaso. - ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.