'Massacre' umano sa 3 Lumad kabilang ang isang 12-anyos, kinondena | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Massacre' umano sa 3 Lumad kabilang ang isang 12-anyos, kinondena

'Massacre' umano sa 3 Lumad kabilang ang isang 12-anyos, kinondena

Mike Navallo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 19, 2021 07:11 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Hustisya ang isinisigaw ng iba-ibang progresibong grupo sa pagpatay ng militar sa 3 miyembro ng Lumad-Manobo community sa Lianga, Surigao del Sur noong Martes.

Kabilang dito ang isang 12-taong-gulang na babae.

Ayon sa militar, isa umano siyang child warrior na ni-recruit ng New People's Army (NPA), na agad namang pinabulaanan ni alyas
"Jack," isang concerned citizen mula sa Lianga.

"Napakalaking kasinungalingan po nung sinasabi nilang child warrior... Hindi naman 'yun NPA eh. Nag-aaral nga 'yan sa DepEd ALS, alternative learning system. Naka-enroll 'yan sa DepEd. Kilala 'yan ng coordinator ng DepEd," sabi ni Jack.

Magsasaka umano ng abaca sina Willy Rodriguez, Lenie Rivas, at ang menor de edad na biktima.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Jack, umuwi ng komunidad ang tatlo para kumuha ng pagkain nang pagbabarilin ng militar.

"Wala po silang ibang hawak kundi yung kanilang kagamitan sa pag-aani... Kung merong mga baril na ipinakita sa ibang pictures, siguradong planted po yun para lang pagtakpan yung ginawa nilang pagmasaker dun sa mga civilian," sabi ni Jack.

Kinumpirma ni Lianga Mayor Novelita Sarmen na mga residente sila sa lugar pero hindi pa niya masabi kung ano talaga ang nangyari.

Bumuo na ang provincial government ng fact-finding mission na binubuo ng iba-ibang ahensya, kabilang ang Commission on Human Rights.

"We would also like to ensure a neutral ground for a fair and just fact finding. We will also continue to facilitate such endeavor para ma-serve ng justice yung tatlong mamatay," sabi ni Sarmen.

Pero nanindigan ang militar na may engkwentrong nangyari.

"According to the report that was submitted to us, they were wielding firearms and they engaged our soldiers in a firefight... This led us to the conclusion that these are members of the NPA," ani AFP spokesman Maj. Gen. Edgard Arevalo.

Hindi masabi ni Arevalo kung may intelligence reports na child warrior ang isa sa mga biktima, pero binanggit niya ang umano'y karaniwang modus ng mga NPA.

"They always recruit members of the indigenous communities as their willing prey or as the prey they would like to force into fighting government," sabi ni Arevalo.

Nanawagan ang mga progresibong grupo na itigil na ang mga patayan.

"Hindi lang kasi ito nangyayari sa context ng mga Lumad, hindi lang to nangyayari sa cases ng mga rural areas... Pag-usapan natin na kung paano matitigil na mga nangyayaring mga killings," sabi ni Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago.

Nailibing na nitong Biyernes ang tatlong napatay. Pinag-aaralan ng pamilya kung magsasampa ng kaso laban sa militar.

Mahaba na ang kasaysayan ng pagpatay at harassment sa mga Lumad.

Noong September 2015, pinatay na rin ang datu at chairperson ng Alcadev Lumad School sa Surigao del Sur.

Isang indignation rally ang isinagawa noong Huwebes ng hapon sa Commission on Human Rights para sa pagkondena sa karahasan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.