55 Lumad schools binansagang 'NPA factory'; CHR, mga katutubo pumalag | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
55 Lumad schools binansagang 'NPA factory'; CHR, mga katutubo pumalag

ABS-CBN News
Published Jul 19, 2019 10:20 PM PHT

Binansagan ni National Security Advisor Hermogenes Esperon na "NPA (New Peoples' Army) Factory" ang 55 campus ng Salugpongan Ta'Tanu Igkanogon Community Learning Center sa Davao.

Inalmahan ito ng pamunuan ng eskuwelahan at ng ilang rights group dahil sa umano'y kakulangan ng basehan ng opisyal.

Matatandaang inutos ng Department of Education na ipasara ang mga naturang Lumad schools dahil sa kakulangan umano ng requirements, at ayon sa rekomendasyon ni Esperon.

Ayon kay Esperon, nagtuturo umano ng karahasan ang mga paaralan at may mga pagsusuri umano sila na nagpapatunay nito.

ADVERTISEMENT
"'Yung mga estudyante nila ginagamit nila pang-rally," ani Esperon.

"Most of them are taught how to dismantle, assemble firearms. They become the NPA warriors," dagdag niya.

Iba rin umanong Abakada ang itinuturo sa kanila.

"A-B-C. A, armas. B, bala. K, kalaban," ani Esperon.
Paliwanag pa ni DepEd spokesperson Nepomuceno Malaluan, kulang sa enrollment requirements ang mga eskuwelahan para makakuha ng permit.

"A number of these schools have no enrollment already. As a result they were not able to meet the requirements for the renewal of permit," ani Malaluan.

Mariin namang pinabulaanan ni Meggy Nolasco, executive director ng paaralan at tinawag na "malaking kasinunganlingan" ang mga paratang ni Esperon.

"Kung ano ang sinusulat sa K to 12 curriculum, doon lang kami nakabatay. Pinapaliwanag namin kung mag-rally man sila, part na 'yan ng kanilang democratic right gaya ng pagboto," ani Nolasco.

Giit pa ni Jenny Rose Hayahay, isa sa mga guro ng eskuwelahan na hindi umano sila dumaan sa due process sa pag-a-aplay ng permit at certified ang kanilang curriculum.

"Sobrang unfair na hindi man lang kami dumaan sa due process. Ang curriculum namin ay certified ," ani Hayahay.

Nababahala naman ang Commission on Human Rights sa suspensiyon ng DepEd sa 55 paaralan ng mga Lumad.
Nababahala naman ang Commission on Human Rights sa suspensiyon ng DepEd sa 55 paaralan ng mga Lumad.
ADVERTISEMENT
Anila, kailangan pa ng ebidensiya at due process bago sabihing training ground ang mga paaralang ito ng mga NPA.

"While we recognize the need to address security issues, the allegation that the said Lumad schools are training ground for 'rebels' still require substantial pieces of evidence and due process," sabi ni Jacqueline De Guia, CHR spokesperson.

Sa ngayon ay inilipat na rin ng DepEd ang mga apektadong bata sa mga kalapit na mga paaralan.

Naghahanda na rin daw ang pamunuan ng paaralan ng kanilang sagot para patunayang hindi sila dapat ipasara ng DepEd.

--Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Lumad schools
CHR
human rights
Hermogenes Esperon
Commission on Human Rights
DepEd
Department of Education
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT