Puwede bang magpaturok ng COVID-19 vaccine ang mga nag-flu vaccine? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Puwede bang magpaturok ng COVID-19 vaccine ang mga nag-flu vaccine?

ABS-CBN News
Published Jun 17, 2021 08:40 PM PHT

MAYNILA - Buo ang loob ni Noriel Yerro na magpabakuna muna laban sa trangkaso bago siya maturukan ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine.

"Malaking benefits po 'yun sa akin lalo ngayon pandemic, di ba? Kailangan meron tayong protection," ani Yerro.

Pebrero pa nagpa-flu vaccine si Margie Pampanga.

"Di ba 'yung COVID, ang symptoms niya is like flu so nagpabakuna na ako para di na ako kapitan niyan," ani Pampanga.

ADVERTISEMENT
Napansin din ng isang diagnostic center na dumami ang mga Pilipinong nagpa-flu vaccine sa mga nakalipas na buwan.

Para sa dagdag-proteksiyon, maaaring magpaturok ng flu vaccine at COVID-19 vaccine. Pero ayon sa general physician ng HI-Precision Diagnostic Center na si Dr. Lalaine Macatangay, dapat may pagitan itong dalawang linggo.

"If you get flu vaccine, you are not protected against COVID virus, same thing if you receive your COVID-19 vaccine, it will protect you naman from the influenza, the ideal is to get 2 so you will be more protected," ani Macatangay.

Ayon sa primary care phycisian na si Dr. Rosano Flores, sulit naman ang gastos dito.

"Hindi naman siya redundancy and then the protection na ibibigay ng bakuna, siyempre i-avail natin ‘yun kung meron… Sulit siya, it will afford you protection, magbibigay ng protection sa ating katawan," ani Flores.

Samantala, sinabi naman ni vaccine expert panel head Dr. Nina Gloriani na dapat ireserba sa iba kung may empleyadong naturukan ng COVID-19 vaccine galing sa lokal na pamahalaan pero nagpareserba ng COVID-19 vaccine sa opisina.

"Ibigay na natin sa iba until such time na dumami ang supply... Kasi di pa natin alam kung puwede ba talaga, baka di pa siya kailangan," ani Gloriani.

Sisimulan naman sa Hulyo ang clinical trials sa paghahalo-halo o mix and match ng iba't ibang klase ng bakuna. Aabot sa 18 buwan ang itatagal nito pero maglalabas sila ng preliminary results pagdating ng Oktubre.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT