Ospital sa Batangas, naka-lockdown dahil sa doktor, nars na nagpositibo sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ospital sa Batangas, naka-lockdown dahil sa doktor, nars na nagpositibo sa COVID-19

Ospital sa Batangas, naka-lockdown dahil sa doktor, nars na nagpositibo sa COVID-19

Andrew Bernardo,

ABS-CBN News

Clipboard

LEMERY, Batangas - Pansamantalang ipinasara ni Lemery Mayor Larry Alilio ang Batangas Provincial Hospital sa bayan matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang doktor at nars doon.

Ayon kay Alilio, hindi mga residente ng Lemery ang mga nagpositibong health worker.

"Although hindi po dito sa bayan natin sa Lemery ang mga taong tinamaan ng coronavirus, nagpositive po, sa atin pong Batangas Provincial Hospital o emergency ang tawag natin dito sa ating bayan...Nagpositive po ang isang doctor at isang nurse kaya obligado ako na i-lockdown ang provincial hospital," aniya.

Magsasagawa ng sanitation at disinfection sa loob ng ospital.

ADVERTISEMENT

Mananatili muna sa ospital ang mga naka-admit na pasyente na isasailalim sa COVID-19 test.

Papayagan namang makauwi ang mga pasyenteng negatibo sa COVID-19 pero isasailaim pa rin sa 14-day quarantine sa isolation facility ng kanilang barangay.

Puspusan ang isinasagawang contact tracing ng mga awtoridad at nanawagan sa lahat na maging maingat.

Nasa 31 pa rin ang suspect case sa Lemery, pero iisa na lamang ang active case dahil magaling na ang tatlo pang pasyente.

Sa kanilang social media account, humingi ng pang-unawa ang Batangas Provincial Hospital at sinabing agad ibabalik ang operasyon basta matiyak na malinis at ligtas ang pasilidad para sa lahat.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.