Dalaga pinatay, ibinaon ng nobyo sa bakanteng lote sa Caloocan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dalaga pinatay, ibinaon ng nobyo sa bakanteng lote sa Caloocan

ABS-CBN News
Published Jun 16, 2023 05:20 PM PHT

Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng isang babae sa loob ng bakanteng lote sa Caloocan, gabi ng Huwebes.

Pumunta mismo ang magulang ng biktima sa Quezon City Police District Station 3 noong Huwebes para i-report ang nawawala nilang anak na linggo pa huling nakita.

Kasama pa mismo ng mga magulang ng biktima mag-report ang nobyo na agad tinukoy na person of interest.
"Nagpaalam itong babae sa mga magulang na pupunta nga dito. Noong hinanap na ng magulong natunton na huling kasama ng kanilang anak na nawawala ay itong person of interest natin," ayon sa station commander na si Police Lt. Col. Mark Janis Ballesteros.

Aminado ang suspek na ginawa niya ang krimen noong linggo ng hapon sa loob ng subdivision kung saan siya nakatira.
Aminado ang suspek na ginawa niya ang krimen noong linggo ng hapon sa loob ng subdivision kung saan siya nakatira.
ADVERTISEMENT
Itinago pa niya ang labi sa isang bakanteng lote sa Caloocan bago ibaon sa lupa noong Martes.

Ayon sa suspek, matinding pagseselos ang dahilan kaya napatay niya ang kaniyang kasintahan.

Inilipat na ng Quezon City Police ang kustodiya ng suspek sa Caloocan Police.

-- Ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT