Umano’y holdaper patay matapos ‘manlaban’ sa Pampanga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Umano’y holdaper patay matapos ‘manlaban’ sa Pampanga

ABS-CBN News
Published Jun 16, 2022 02:45 AM PHT

Patay sa umano’y engkwentro Miyerkoles ng madaling araw ang isang suspek na itinuturong sangkot sa panghoholdap sa lungsod ng Mabalacat, Pampanga.

Ayon sa Mabalacat City Police, nagsagawa sila ng dragnet at hot pursuit operation matapos maiulat ang nangyaring panghohold up sa isang convenience store sa Brgy. Sta Maria.

Natyempuhan umano ng mga awtoridad ang mga suspek na nakamotorsiklong tumutugma sa deskripsyon ng mga biktima at ilang nakakita.

Nang sitahin ng mga pulis, bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan umano ang mga awtoridad, dahilan para humabol at dumepensa ang mga ito at gumanti ng mga putok.

Tinamaan ang backrider ng motorsiklo at nahulog na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Patuloy naman ang paghahanap sa isa pang kasama ng napatay na suspek na nakatakas.—Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT