Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Sorsogon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Sorsogon

ABS-CBN News
Published Jun 16, 2022 08:45 PM PHT

Patay ang isang kagawad sa Barangay Bulawan sa bayan ng Irosin, Sorsogon matapos pagbabarilin habang nagmamaneho ng tricycle Huwebes ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at iba't ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si barangay kagawad Shyrman Medel, 38 anyos.

Nakaligtas sa pamamaril ang asawa ng biktima na nakaupo sa loob ng tricycle.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, papunta sa Sorsogon City ang mag-asawa nang mangyari ang pamamaril.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, papunta sa Sorsogon City ang mag-asawa nang mangyari ang pamamaril.
ADVERTISEMENT
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa umano'y apat na hindi pa nakikilalang salarin na nasa likod ng pamamaril at ang motibo sa krimen.

Bukod sa pagiging barangay kagawad, namamasada rin ng tricycle ang biktima, ayon sa pulisya.

- ulat ni Karren Canon
- ulat ni Karren Canon
MULA SA ARKIBO
MULA SA ARKIBO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT