Pagbabakuna vs COVID-19 sa indigent residents ng Maynila, umarangkada | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagbabakuna vs COVID-19 sa indigent residents ng Maynila, umarangkada

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Jun 16, 2021 01:20 PM PHT

MAYNILA - Nagsimula na nitong Miyerkoles sa lungsod ng Maynila ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga nasa A5 priority group o 'yong mga kabilang sa mahihirap na pamilya.

Ito ay isang linggo matapos magsimula ang COVID-19 vaccination ng mga nasa A4 priority group o economic frontliners.

May 8 vaccination sites sa lungsod na eksklusibo raw muna para sa A5 priority group dahil ang mga gagamiting bakuna ay donasyon mula sa vaccine-sharing platform na COVAX Facility.

Sa ilalim kasi ng kondisyon ng COVAX, dapat ang bakuna na mula sa kanila ay mapupunta sa medical frontliners, mga matatanda, at sa vulnerable sector tulad ng mga mahihirap na residente.

ADVERTISEMENT
PANOORIN:
Nakapuwesto ang mga naturang vaccination sites kung saan may mga malalaking informal settler communities gaya ng sa Baseco, Parola, Smokey Mountain, Happyland, Katuparan, Port Area at Sta. Ana.

Tig-1,000 doses ang nakalaan sa bawat vaccination site, bukod sa isa na may 700 doses.

Ayon sa awtoridad, nasa 8,000 na indigent o mahihirap na residente doon ang matuturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine sa naturang vaccination sites.

MAHABANG PILA
Mahaba ang pila ng mga gustong mabakunahan sa Sen. Benigno Aquino Elementary School sa Baseco. Maaga pa lang, pumila na ang mga residente.

Bumisita si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa paaralan at sinabing nasa 400,000 ang mga indigent adult o mga mahihirap na maaaring bakunahan sa lungsod.

Dagdag ng alkalde, masaya siya na marami ang gustong magpabakuna. Good news na rin aniya ang mahaba na pila.

Posible naman umanong magpa-appointment system ang lungsod sakaling dumating ang mga bakuna.

Ngayon kasi, first come, first served basis pa ang siste sa pagbabakuna.

May binili rin daw ang pamahalaang lungsod na 400,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na darating sa June 24.

Nitong Martes, umarangkada na rin ang COVID-19 vaccination ng mga pasok sa A5 priority group sa Mandaluyong City at San Juan City.

Target din ng gobyerno na pabilisin ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa at makapagturok ng 250,000 doses kada araw ngayong buwan.