Dating tanod arestado sa panunuhol sa Parañaque | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dating tanod arestado sa panunuhol sa Parañaque

Dating tanod arestado sa panunuhol sa Parañaque

Fred Cipres,

ABS-CBN News

Clipboard

Hinuli ang isang dating barangay tanod matapos mag-abot ng P20,000 kapalit ng kalayaan ng isa sa mga drug suspek. ABS-CBN News

Arestado ang dating barangay tanod matapos nitong subukang manuhol sa pulis para sa kalayaan ng isang nahuling drug suspek sa lungsod ng Parañaque nitong Sabado.

Kinilala ang ang dating tanod na si alyas Andy, 33 anyos.

Ayon kay Chief Insp. Elizaldy Matulac, lumapit si Andy sa isa niyang pulis matapos mahuli ang 3 lalaki na nagsa-shabu nitong Biyernes.

Inalok umano ni Andy ang pulis ng P20,000 kapalit ng kalayaan ng isa sa mga drug suspek.

ADVERTISEMENT

Agad ikinasa ang entrapment operation laban sa dating tanod sa loob mismo ng Parañaque City Police Station 4.

Agad hinuli si Andy matapos i-abot ang bag na naglalaman ng pera.

Kinasuhan si Andy ng paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code o corruption of public officials.

Read More:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.