133 arestado sa operasyon kontra droga sa Cebu

Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2017 02:52 PM

CEBU CITY - Hindi bababa sa 133 ang arestado matapos maglunsad ang Cebu City Police ng "one-time, big-time operation" dito sa lungsod, Huwebes ng gabi.

Pitumpu't pitong pinaghihinalaang adik ang dinampot ng mga pulis, habang ang iba naman ay arestado sa pagkakadawit sa pagnanakaw at iligal na pagsusugal.

Sinabi ng mga awtoridad na bukod sa mga suspek, nasabat din ang ilang pakete ng pinaghihinalaang shabu sa ilalim ng operasyon.

Ayon kay Christopher Navida, hepe ng City Intelligence Branch, nakikipagtulungan ang pulis sa lokal na pamahalaan upang isailalim sa rehabilitasyon ang mga nasangkot sa paggamit ng iligal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.