NCRPO mas paiigtingin ang kampanya laban sa illegal gambling | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
NCRPO mas paiigtingin ang kampanya laban sa illegal gambling

Jeff Caparas,
ABS-CBN News
Published Jun 15, 2023 06:26 PM PHT

MAYNILA — Humingi na umano ng saklolo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa National Capital Region Police Office (NCRPO) para sugpuin ang talamak na ilegal na pasugalan sa Metro Manila.

Pinangunahan ni NCRPO Regional Director PMGeneral Edgar Alan Okubo ang command conference sa Quezon City Police District para sa Anti-Illegal Gambling Campaign ng PNP o “Operation High Roller” at dito niya inutos na paigtingin ang operasyon laban sa ilegal na sugal.

Ayon sa heneral, bukod sa mga authorized agents ng Small Town Lottery (STL) dumarami na rin ang mga ilegal na bookies at STL sa NCR na lubhang nakakaapekto sa PCSO.

“Di kikita ang PCSO who continuosly supporting medical supports to individuals, agencies and other offices and organizations as well as the the PNP mismo. Nawawala ang pakinabang ng PCSO dahil sa mga events na ito," ayon kay Okubo.

ADVERTISEMENT
Sa pinakahuling datos ng QCPD nasa 1840 indibidwal na ang kanilang naaresto sa ilegal na sugal at nakumpiska ang nasa P415,498 pesos.

Pinaalalahanan din ni Okubo ang mga tauhan na huwag masangkot sa iligal na gawain.

“No take policy na tayo, malaki na nga ang suweldo natin, di natin kailangan yan, it’s all part of our service, kung mayroon man nangyari sa past, i-correct na natin, dahil mas kailangan tayo ng bayan kaysa sa personal na pangangailangan natin," dagdag ni Okubo.

Sinabi rin ng opisyal na kailangang sumunod ang mga tauhan sa direktiba dahil maaari silang matanggal sa puwesto kung mapapatunayang tumatanggap sila ng suhol mula sa mga operator ng ilegal ng pasugalan.

“Pag nalaman natin na they continuously take yung unauthorize remittances na binibigay sa kanila of course it will the ground for the relieve from their assigments ibig sabihin they are not complying sa instruction na binigay sa atin ng ating chief PNP at binigay sa mga stations nila," aniya.

Hindi lang umano sa NCRPO manggagaling ang rekomendasyon ng relief order bagkus kasama rin ang Executive Secretary sa Malacañang.

Dagdag ni Okubo, kasama rin sa pagsugpo ng illegal gambling ang Presidential Anti-Organized Crime Commission na target ang mga big time financial operators.