Mobile voter registration app inilunsad | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mobile voter registration app inilunsad
Mobile voter registration app inilunsad
ABS-CBN News
Published Jun 15, 2021 06:59 PM PHT

Inilunsad ngayong Martes ng Commission on Elections (Comelec) ang isang mobile app kung saan maaaring makapagparehistro ang mga Pinoy para sa halalan sa susunod na taon.

Sa pamamagitan ng Mobile Registration Form App (MRFA), na gagana lamang sa Android phone, nais ng Comelec na maparami pa ang mga nagpaparehistro para makaboto sa halalan 2022.

Narito ang proseso:
• Sa Android phone, i-enter ang bit.ly/MobileFormApp
• I-download ang app at i-install
• Kahit hindi gumagamit ng internet, i-press ang "get started" at piliin ang uri ng application gaya ng "new registration," "transfer," "reactivation," "change of name," o "correction of entries"
• Punan ang form at i-generate ang QR code

Lalabas ang isang paalala sa mga dapat dalhin pagpunta sa mga local Comelec office, kung saan kukuhanin ang biometrics.

ADVERTISEMENT
Pagkalabas ng QR code sa screen, huwag kalimutang i-save ito sa phone gallery dahil ipapakita ito pagpunta sa Comelec.

"Once you have the QR code, the next step is to go to your respective office of the election officer, present the QR code and printed application form will be generated and that's it," sabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo.

Mula sa cellphone, maaaring i-share ang mobile app sa iba kahit walang internet sa pamamagitan ng Shareit app o bluetooth.

Ayon sa Comelec, sa test run, nasa higit 11,500 ang gumamit nito.

Hindi rin umano dapat pangambahan ang data privacy issue o hacking, lalo't offline naman pinupunan ang form.

Sa ngayon, available pa lang ang MRFA sa 500 lugar sa bansa. Wala pa ito sa overseas voting.

Sa Hulyo naman target ang pilot test sa Metro Manila.

Para malaman kung mayroon ang app sa lugar, bisitahin ang official Facebook page ng local Comelec office.

-- Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Comelec
voter registration
voter registration app
halalan
halalan 2022
mobile app
Mobile Registration Form App
MRFA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT