Lalaki sa Quezon City inireklamo ng step-daughter ng pangmomolestiya | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki sa Quezon City inireklamo ng step-daughter ng pangmomolestiya

Lalaki sa Quezon City inireklamo ng step-daughter ng pangmomolestiya

Champ de Lunas,

ABS-CBN News

Clipboard

Trigger warning: Maselan ang ilang detalye sa istoryang ito.

MAYNILA - Kulong ang inabot ng 45-anyos na lalaki sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City matapos lumantad ang kaniyang stepdaughter at inakusahan siya ng pangmomolestiya.

Sa kaniyang guro nagsumbong ang 15-anyos na dalaga nang pagsulatin silang mga estudyante ng kanilang mga "concerns", sabi nitong Martes ng pulisya.

Nakasaad sa isa sa mga notes ng dalagita na ilang beses umano siya minolestiya. Walang pangalan sa note kaya hindi agad natukoy ang estudyante.

“Yung adviser nila, nagpa-submit ng papel kung saan isusulat nila concerns nila or anything na gusto nila iparating pero wala silang mapagsabihan. So wala itong pangalan. Napansin niya itong batang ito so hinanap niya ito," sabi ni Police Lt. Col. May Genio, Station Commander ng Quezon City Police Station 14, Martes ng gabi.

ADVERTISEMENT

Sulat

Humingi ng tulong agad ang guro sa mga social worker at pulisya.

Hinuli ang suspek sa operation ng Quezon City Culiat station noong Biyernes, Hunyo 9.

Bago pa ang insidente, nagduda na raw ang teacher na may pinagdadaanan ang dalagita.

“Sa initial investigation natin, hindi nagsasalita itong bata. So kami rito, hindi kumbinsido na parang ganon lang ang nangyari. So continuous yung follow up namin," sabi ni Genio.

"Sinabi niya na since 6 years old pa raw siya eh minomolestiya na siya ng tatay niya.”

ADVERTISEMENT

Mariing itinanggi ng suspek ang paratang sa kaniya.

“Never ko po ginawa yun sa aking anak dahil siya po ay aking pinalaki. Mula maliit pa lang, kinuha po yan sa Mindanao," sabi niya.

"Nagsasabi po ako ng totoo. Bakit ako magsisinungaling? Kasalanan sa Diyos yan.”

Kasalukuyang nasa poder ng Social Services Development department ng Quezon City ang nagrereklamong dalagita.

Maaaring masampahan ang stepfather ng reklamong statutory rape at child abuse.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.