PatrolPH

Menor de edad ginahasa umano ng magpinsan sa QC

Nico Bagsic, ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2023 07:13 AM

Watch more on iWantTFC

Trigger warning: Maselan ang ilang detalye sa istorya na ito.

MAYNILA—Sa kulungan ang bagsak ng magpinsang lalaki dahil sa panggagahasa umano ng isang menor de edad sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon sa Culiat Police Station ng QCPD, 15-anyos ang biktimang babae na kaklase lang ng kaanak ng mga suspek.

Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na noong May 31 naganap ang unang panghahalay sa biktima ng isa sa mga suspek.

Pinagbantaan pa umano ang menor de edad kaya hindi ito agad nagsumbong.

Nangyari muli ang panghahalay sa teenager nitong Lunes nang tinawag ng salarin ang kanyang pinsan.

Tinanggi ng magpinsan ang akusayon at nagulat na lamang umano sila nang biglang may dumating na mga otoridad para sila ay arestuhin.

Nasa kustodiya na ng Culiat Police Station ang magpinsan at nahaharap sila sa kasong statutory rape at child abuse.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.