PatrolPH

Sanggol patay matapos iwanan sa bus sa Benguet

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2022 10:34 PM

Kuha ng La Trinidad PNP
Kuha ng La Trinidad PNP

Patay ang isang bagong silang na sanggol matapos matagpuang inabandona sa bus sa bayan ng La Trinidad, Benguet nitong Martes ng umaga.

Ayon sa La Trinidad PNP, galing Cagayan ang bus at pumarada sa terminal sa Brgy. Cruz, at nang maglilinis na ang konduktor, nakita nito ang babaeng sanggol sa ilalim ng isang upuan ng bus.

Nakabalot ito ng supot at jacket.

Dinala sa ospital ang sanggol pero idineklarang dead on arrival.

Kasalukuyan ang imbestigasyon ng PNP para matukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol.—Ulat ni Mae Angelei Daos Cornes

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.